-- Advertisements --

Inalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P6.2 milyon na ayuda para sa mga tinamaan ng lingguhang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ayon sa DBM na ang nasabing halaga ay ipinasakamay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base sa listahan ng DSWD na ipapamahagi ito sa anim na milyong kabahayan kung saan apat na milyon sa mga dito ay mga benepisaryo ng “Pantawid Pamilyang Pilipino” Program habang dalawang milyon sa mga dito ay mga social pensioners o senior citizens.

Dagdag pa ng DBM na ang mga benepesaryo ay makakatanggap ng P500 kada ng hanggang anim na buwan.

Nangangahulugan nito na tatangap sil ang P 1,000 sa first tranche na ito ay ilalagay sa kanilang mga cash cards mula sa Land Bank of the Philippines.