-- Advertisements --
Ikinalugod ng Department of Budget management ang paglago sa 6.4% ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang quarter ng 2023.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na nagkakaroon na ng momentum ang ekonomiya ng bansa kahit na nagkakaroon ng paglala ng regional at global economic.
Itinuturing pa nito na dynamic na ang domestic economy ng Pilpinas dahil sa GDP performance nito sa first quarter ngayong taon.
Mas nakakaangat pa aniya ang ekonomiya ng bansa kung ikumpara ito sa ekonomiya ng ibang bansa na nagkakaroon ngayon ng maraming hamon.