-- Advertisements --

Hinihikayat ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko na lumahok sa proseso ng paghahanda ng pamahalaan para sa 2024 national budget proposal upang matiyak ang responsive na alokasyon at mag-ambag sa pagkamit ng mga layunin ng pag-unlad ng bansa.

Inilabas ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman ang panawagan na nagsasabing gusto ng ahensya na sumunod ang budget sa 8-point socioeconomic agenda ng gobyerno at sa Philippine Development Plan (PDP).

Ayon sa departamento, sinimulan na nito ang serye ng mga konsultasyon sa budget sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, at mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng gobyerno, bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbalangkas ng plano ng gobyerno para sa 2024.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangandaman na ang national budget ng 2024 ay sasaklaw lamang sa mga implementation-ready programs.

-- Advertisement --

Dagdag pa niya na titingnan din umano nila ang paggamit ng budget noong nakaraang taon ng mga ahensya bilang bahagi ng proseso sa pagsusuri nito.

Una ng inihayag ng Department of Budget and Management na sinusuportahan ng 2024 national budget ang mga layunin ng administrasyon na muling buhayin ang paglikha ng trabaho at pagbabawas ng kahirapan sa ating bansa.