-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Department of Budget and Management (DBM) chief ang desisyon sa pagbuwag sa Procurement Service- DBM (PS-DBM) kasunod ng alegasyon sa iregularidad sa naturang opisina.

Subalit umaasa si DBM Secretary Amenah Pangandaman sa bagong PS-DBM head Dennis Santiago na mareporma ang ahensiya na may mandato sa pagbili ng bultuhang supplies para sa mga government offices.

Ayon kay Pangandaman, gagamit sila ng e-procurement at e-shopping para sa procurement ng national government upang maging transparent.

Plano din anilang pagbutihin pa ang procurement process sa tulong ng Government Procurement Policy Board.

Samantala, sa kabila ng mga isyu sa anomalyang kinasasangkutan ng procurement service ng DBM, sinabi ng DBM chief na nakatulong naman ang PS-DBM na makatipid ang gobyerno ng nasa P18 billion mula noong 2017 hanggang 2019 sa ilalim ng panunungkulan noon ni dating DBM Secretary Benjamin Diokno.