Mainit na usap-usapan ngayon ang di umano’y paghihiwalay nina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at ng kanyang fiance na si Louis D’Esposito, co-president ng Marvel Studios.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Torres na mayroon siyang skin cancer at kailangan sumailalim ng beauty queen sa gamutan.

Ayon kay Torres, si D’esposito ang humikayat sa kanya upang magpa-check up.

Base naman sa mga ispekulayon ng fans, marami na raw masyadong iniisip si D’esposito kung kaya’t hindi niya na kayang samahan si Torres sa kanyang pinagdadaanan.

Sa ngayon, masayang masaya si Torres dahil kinumpirma ng kanyang mga doktor na hindi kumalat ang cancer cells sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.