-- Advertisements --

Pumayag na si All-NBA forward Anthony Davis sa five-year $190 million maximum contract na manatili sa defending champion na Los Angeles Lakers.

Kabilang sa kasunduan ang early-termination option bago ang ikalimang taon sa 2024-2025.

Anthony davis lakers vs pelicans
Los Angeles Lakers Anthony Davis (photo from @Lakers)

Inaasahan na mapipirmahan sa lalong madaling panahon ni Davis ang kontrata kung saan siya ngayon ay free agent.

Magugunitang matapos ang paglipat ni Davis mula sa New Orleans Pelicans at patungong Lakers ay nakuha nila ang 2019-2020 NBA championship.

Una nang pinalawig din ng Lakers ang kontrata ni LeBron James ng dalawang taon sa halagang $85-million.