holy 1.1
Evander Holyfield vs Vitor Belfort (photo from Triller)
-- Advertisements --

Umani nang iba’t ibang mga reaksiyon ang nangyaring pagkatalo kahapon ng boxing legend at dating heavyweight champion na si Evander Holyfield sa kamay ng dating UFC champion na si Vitor Belfort.

holy 1.1
Evander Holyfield vs Vitor Belfort (photo from Triller)

Ayon sa former two division world champion David Haye, walang impresibong sa pag-knockout si Belfort kay Holyfield.

Aniya, halos senior citizen na raw si Holyfield sa edad na 58-ayos sa ginananap na harapan sa Hollywood, Florida.

Habang si Belfort naman ay masyadong bata pa sa edad na 44-anyos.

Kinuwestyon din ng retired champion na si Haye na sa akala niya ay exhibition fight lamang ang mangyayari.

-- Advertisement --

Pero lumalabas daw sa naging laban na sa first round pa lamang ay bumagsak na si Holyfield nang magpakawala na malalakas na kumbinasyon si Belfort hanggang sa itigil ng referee ang laban.

Para naman sa ibang sports fans, sa tingin nila ay naging kawawa si Holyfield na dati nilang iniidolo sa boxing na kabilang sa Hall of Fame at walang takot sa rivalry noong kabataan nila ni Mike Tyson.

Ang boxing card ay agaw pansin din dahil nagsilbing color commentary sa event ang dating US President na si Donald Trump.