-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio na hindi pa matutupad ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project na Davao-Samal Bridge kahit aprubado na ito at pinondohan ng national government.

Ayon sa alkalde, may isang pamilya ang tutol sa nasabing proyekto dahil maaapektuhan umano ang property nito.

Nagpadala rin daw ito ng written opposition sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at planong magsampa ng “Writ of Kalikasan” sa korte.

Nabatid na nitong Nobyembre, pinayagan ng National Economic and Development Authority (NEDA)-Investment Coordination Committee (ICC) ang ilang mga proyekto sa bansa kabilang ang Davao-Samal Bridge at High Priority Bus System.

Una nang pinayagan ng NEDA-ICC ang P23.04 billion na pondo sa SIDC project sa pamamagitan ng Official Development Assistance.

Layunin nito na magbigay ng permanenteng road linkage sa pagitan ng Davao at Island Garden City of Samal (Igacos) na malaking tulong sa mga commuters para mapadali ang biyahe papuntang isla.