-- Advertisements --

DAVAO CITY – Binigyang linaw ngayon ng City Health office ng lungsod ng Dabaw na wala pang nag-positibo sa polio virus sa lungsod sa kabila ng kompirmasyon na may nakitang polio virus sa tubig ng Davao river.

Sinabi ni Davao CHO Head Dr. Josephine Villafuerte, positibo ang lumabas na resulta sa kinuhang specimen mula sa Davao River noong Setyembre 9.

Dahil dito, agad na nagpalabas ng advisory ang CHO sa lahat ng residente ng Dabaw lalo na sa mga naninirahan malapit sa dagat at sa mga sapa.

Ayon pa sa Department of Health, kinakailangang mag-ingat ng mamamayan dahil wala pang nadidiskubreng lunas para sa sakit na polio ngunit maaring maiwasan ito sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng Inactivated Polio Vaccine o IPV.

Ang nasabing bakuna ay binibigay sa mga bata na nasa tatlong buwan at kalahati.

Ilan sa mga simtomas ng sakit na polio ang lagnat, pagkapagod, sakit ng ulo, pagsusuka, pamamanhid ng mga kamay at paa at stiff neck.

Dagdag pa ng City Health Office at Department Of Health na nakukuha umano ang nasabing virus sa pamamagitan ng dumi ng tao.