-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot na sa 10,818 mula 16,413 Persons Under Monitoring (PUMs) ang cleared mula sa coronavirus disease, samantalang 5,593 naman ang nananatiling isinailalim sa istriktong home quarantine.

Hanggang April 6, 2020 ang DOH Davao Center for Health Development nakapag-tala ng kabuuang 16, 413 Persons Under Monitoring (PUMs) at 493 Patients Under Investigation (PUIs).

Sa 493 na PUIs, 402 nito ang tested negative at na-discharged na, habang 12 naman ang namatay dahil sa pre-existing medical conditions, habang 79 ang nanatiling under investigation at hinihintay pa ang kanilang COVID-19 laboratory test result.

Sa 79 na PUIs, 38 ang admitted sa Southern Philippines Medical Center(SPMC), 22 sa Davao Regional Medical Center, 16 sa La Diva Inn at tatlo sa Treatment and Rehabilitation Center (TRC) sa Malagos lungsod ng Dabaw.

Samantala, kinumpirma naman ng provincial government Davao de Oro ang second COVID19 positive case sa kanilang probinsiya.

Ang naturang pasyente ay nagmula umano sa munisipalidad Mawab, Davao de Oro at kasalukuyang naka-confine sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.