-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa posibleng tsunami dahil sa 6.1 magnitude na lindol sa Davao Occidental.

Ayon sa inilabas na advisory, naramdaman ang lindol kaninang alas-10:26 ng umaga.

Natukoy ang epicenter nito sa layong 275 km sa timog silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang pinsala, ngunit posible pa rin ang aftershocks.

Intensities:
Intensity III – Sarangani, Davao Occidental
Intensity I – Lebak, Sultan Kudarat

Instrumetal Intensity:
Intensity I – General Santos City