DAVAO CITY – Mahigpit na nagbabala ngayon ang kapulisan maging ang Davao city Local goverment unit sa mga motorista na mag-ingat palagi at magdahan-dahan lamang sa pagmamaneho.
Ito ay matapos sa nangyaring tatlong aksidente sa kalsada kahapon.
Ang Unang aksidente ay nangyari sa Bangkal nitong lungsod kung saan nabangga ang isang L300 Van.
Sinundan din ito sa nangyari sa Diversion Road Maa, kung saan walong sasakyan ang inararo ng isang wing van.
Samantala, isa na namang aksidente ang naganap kahapon na kinasasangkutan ng isang motor na naipit sa isang bus sa Quimpo Boulevard dito sa lungsod ng Dabaw.
Maliban dito, madaling umaga pa lang, naaksidente din ang isang forward truck kung saan bumangga ito sa center island sa Diversion road, Matina Pangi.
Base sa inisyal na imbestigasyon, walang dalang karga ang truck.
Napagalaman din umano na nakatulog ang driver na kasalukuyang nasa opsital na ngayon kasama ang pahenante nito na parehong nagtamo ng minor injuries.
Babala na lang ng mga awtoridad na bago bumiyahe, siguradohin nasa maayos ang kondisyon ng sasakyan gayundin ang driver na magmamaneho nito.