DAVAO CITY – Pormal na ina-nunsiyo ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ngayong hapon lamang ang pag-indorso ng Partido Reporma sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa May 2022 elections.
Ginawa ni Alvarez ang kanyang pahayag matapus mag-resign si senador Panfilo Lacson bilang miembro ng chairman ng Partido Reporma.
Na-una nang inihayag ni Lacson na napagdesisyunan niya na tatakbo na lamang bilang isang independent candidate matapus mas pinili ng partido na suportahan ang ibang presidential candidate.
Sa kanyang statement, inamin ni Alvarez na isang mabigat na desiyson ang kanyang binitawan, pero kailangan niyang mamili matapus nagka-isa umano ang mga ground leaders na suportahan ang kandidatura ni Robredo.
Dagdag pa ni Alvarez na kanilang nirespeto ang naging desisyon ng mga miembro at mga opisyal.
Nilinaw naman ng dating house speaker na walang pinipili na ano mang kulay ang kanilang partido, bagkos pangunahing tinitingnan nito ang isang mabuting pamahalaan, lalo na ang magandang kinabukasan ng buong sambayanan.
Inilarawan naman ni Alvarez si Lacson bilang “best” at kuwalipikado na maging pangulo ng bansa.










