DAVAO CITY – Ngiti ang hatid ng mga tauhan ng Davao City Transport and Traffic Management Office at City Social Welfare and Development Office sa mga tsuper driver ngayong araw.
Imbes kasi na manita ng mga pasaway na driver, kilo-kilong bigas ang ibinigay ng mga ito sa bawat driver na kanilang pinapara.
Nasa limang kilo ng bigas ang iniabot para sa mga public Utility Vehicles (PUV) drivers bilang regalo ngayong yuletide season.
Simultaneous itong isinagawa sa mga pangunahing daan dito sa lungsod kabilang na ang Buhangin, Bajada, Puan, San Pedro Street, CM Recto Street at Roxas.
Maliban sa mga namamasadang jeepney driver, syempre may regalo din na iniabot para sa mga taxi at bus drivers.
Ang mga nabigyan na ay lalagyan ng indelible ink upang maseguro na mabigyan ang lahat ng mga driver ng public mas transport.
Labis naman ang saya ng mga driver sa iniabot na regalo dahil malaking tulong na ito lalo pa at mataas ang inflation rate ngayon sa bansa.