DAVAO CITY – Nakamit ng Lungsog ng Davao ang ika-apat na pwesto bilang most competitive sa highly-urbanized cities category sa Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitiveness Summit. Napanatili ng lungsod ang pwesto nito sa overall standing mula pa noong 2021.
Nanguna naman ang Quezon City sa listahan, kung saan ay sinundan ito ng Manila at Pasay City. Maliban sa overall rank, nakamit din ng lungsod ang 3rd Most Competitive in Economic Dynamism; 6th Most Competitive in Infrastructure; 6th Most Competitive in Resiliency; 7th Most Competitive in Innovation; at 8th Most Competitive in Government Efficiency.
Ayon kay April Marie Dayap, ang Officer-In-Charge sa Davao City Investment and Promotion Center, ito na ang ika walong pagkakataon na nasama ang lungsod sa mga top competitive highly-urbanized cities mula noong 2015.
Dagdag pa nito na ang pagkakasama ng lungsod sa top 5 awardees sa Cities and Municipalities Competitiveness Summit ay palatandaan ng pag-unlad nitong lungsod. Kung kaya’t pananatilihin at ipapatuloy pa ang magandang nasimulan ng lokal na pamahalaan ng Davao sa pamamagitan ng pagbibigay serbisyo sa mga Dabawenyo.