-- Advertisements --
DAVAO CITY – Itinanggi ng Davao City Health Office ang balita na nakapasok na ang monkeypox sa lungsod ng Davao.
Ayon kay City Health Officer Dr. Ashley Lopez, walang natalang kaso ng monkeypox ang Davao City ngunit may isang pinaghihinalaang biktima na nag-negatibo naman matapos isinailalim sa test.
Posible umanong nagkaroon ang biktima ng foot and mouth disease.
Kung maalala, siniguro ng Emerging, Re-emerging Infectious Disease Unit ng Davao na handa ang lungsod sa posibilidad na pagpasok ng nasabing sakit.