-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaasahang magpupulong sa araw ng Miyerkules ang Task Force on Emerging Infectious Disease ng lokal na pamahalaan ng Davao upang pag-usapan ang gagawing mga paghahanda sa posibling pagpasok ng monkey pox sa lungsod ng Dabaw.

Ayon kay Atty. Francis Mark Layog, city administrator ng lungsod, na una nang nagpulong noong nakaraang linggo ang bumubuo ng TF at ang iba pang mga ahensiya sa syudad partikular na ang City Health Office.

Dagdag pa ni Atty. Layog na naghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng hiwalay na isolation area kung sakaling makatala ang syudad ng kaso ng monkey pox.

Siniguro naman ng city administrator na palaging handa at matagal nang naghanda ang syudad laban sa anumang uri ng sakit matapos kumalat ang COVID 19 sa bansa.