Reading Time: 1 minute

Sasabak nang muli sa competitive tennis ang dating world No. 1 Kim Clijsters ng Belgium sa susunod na taon matapos magretiro pitong taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Clijsters, bagama’t naging full-time mom ito sa kanyang tatlong anak, tila na-miss niya raw ang adrenalin ng tennis world tour.

“These last 7 years I’ve been a full-time mom. And I love it, I really do. But I also loved being a professional tennis player. And honestly I miss that feeling,” saad ng 36-year-old Belgian sa Twitter.

Nagkampeon si Clijsters sa US Open noong 2005, 2009 at 2010; at sa Australian Open noong 2011.

Una nang nagretiro si Clijsters noong 2007, ngunit bumalik makalipas ang dalawang taon matapos nitong isilang ang kanyang panganay na anak.