Mas nagiging popular ang dating pangulo ng bansang Amerika na si Donald Trump dahil sa mga isinasampang kaso laban sa kaniya.
Ito ang binigyang diin ni Rufino ‘Pinoy’ Gonzales, Bombo International News Correspondet sa naturang bansa, sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Gonzales na mas nagiging matunog at taniyag ang pangalan ni Trump sa bansa dahil sa iba’t ibang reklamo o kasong ibinibintang sa kaniya.
Aniya, nagsisilbing ‘free advertisement’ ang ginagawa ng mga nagrereklamo sa kaniya dahil hinahabol-habol ng medya si Trump.
Dagdag pa nito, na pinapalabas ng mga tumututol kay Trump na pinapataas lamang niya ang kaniyang mga ari-arian para sa kaniyang personal enrichment dahilan kung bakit hindi siya payagang muling tumakbo sa pagkapangulo.
Samantala, tinawag naman niyang ‘Circus’ ang nangyayari sa pamahalaan dahil sa karamihan sa mga namumuno at humahatol sa kaso ni Trump ay mga democrat.