-- Advertisements --
Nagpahayag na maging testigo si dating White House national security adviser John Bolton sa impeachment trial ng Senado laban kay President Donald Trump.
Sinabi nito na gagawin lamang niya ang pagtestigo kung ito ay ipatawag ng senado.
Obligasyon aniya nito bilang isang mamamayan at dating national security adviser na tumestigo.
Itinuturing kasi na pangunahing witness o crucial witness is Bolton dahil siya ang unang may kinalaman sa mga pangyayari sa White House lalo na sa usapin ng pag-uusap nila Trump at ang pangulo ng Ukraine para ipa-imbestiga si dating Vice Presisdent Joe Biden.