-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang dating tumatakbong barangay kapitan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Armando Asab na residente ng Barangay Manaulanan, Pikit, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima patungo sa kanyang sakahan nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan gamit ang caliber .45 pistol at M16 armalite rifles.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima kaya agad itong binawian ng buhay.

Kinomperma din ni Pikit chief of police, Major Mautin Pangandigan na dating tumakbong barangay chairman ang biktima sa kanilang barangay noong nakalipas na barangay at SK election pero hindi ito nanalo.

Ang biktima ay kasalukuyan PTA president ng Manaulanan Central School.

Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw ng mga otoridad na dahilan sa pagpaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.