-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang bilang ng mga dating mamamahayag at mambabatas na kabilang sa mga appointee ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito’y matapos na lumabas ang appointment ni dating ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran, bilang undersecretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).
Ipinakilala si Taduran sa isang event bilang DSWD undersecretary, kung saan sa ilalim siya ng pamumuno ni Sec. Erwin Tulfo, na isa ring dating kagawad ng media.
Napili sa Taduran dahil umano sa mga karanasan nito sa pagbibigay ng tulong sa ilang taong pagiging kinatawan sa mababang kapulungan ng Kongreso.