ROXAS CITY – Arestado ang pitong mga former at incumbent barangay officials sa inihain warrant of arrest ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Capiz sa magkahiwalay na lugar sa probinsiya ng Capiz.

Kinilala ang mga arestado na sina dating punong barangay Jose Bonnie Villanueva, apat na mga dating barangay kagawad Jose Dadivas, Geovanie Baria, Armando Gimanel, Wendell Buenvenida at dalawang incumbent barangay kagawad Lourdes Vergara at Renita Baria ng Barangay Manapaw, Pontevedra, Capiz.

Kasong falsification by public officer or employee ang kinahaharap sa ngayon ng mga suspek.

Ang warrant of arrest ay pirmado ni Judge Alma Banias Delfin, presiding judge ng 6th Judicial Region Regional Trial Court (RTC) Branch 15 at may petsang Enero 3, 2019.

May piyansa ang bawat akusado na P24,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG-Capiz ang mga suspek.