Arestado ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group Luzon Field Unit Team 5 ang isang babae na dating pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Rafael, Bato, Camarines Sur.
Kasong paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kinilala ni PNP-IMEG, acting director, PBGen. Warren De Leon ang suspek na si ex- PCpl Richelle Magalona Mata, residente ng nasabing lugar.
Si Mata ay sinibak sa pwesto at kabilang sa Counterintelligence Watchlist ng Camarines Sur Police Provincial Office, Police Regional Office 5.
Paliwanag ni De Leon, na ang Counterintelligence Watchlist (CIW) ay ang listahan ng mga tauhan ng PNP na mayruong derogatory infomation matapos matugunan ang lahat ng itinatag na parameter.
Matatandaang noong 2019, nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga si PCpl Mata matapos magsagawa ng surprise drug test examination ang Camarines Sur PPO, PRO5 sa lahat ng tauhan ng PNP.
Simula noon, nag-AWOL siya o Absent Without Official Leave at kalaunan ay na-dismiss sa serbisyo. Inilihis ni Ex-PCpl Mata ang kanyang pinagmumulan ng pamumuhay mula sa paglaganap ng iligal na droga na kumikilos sa loob ng Munisipyo ng Bato, Lungsod ng Naga, Camarines Sur, at umaabot sa mga kalapit na munisipalidad.
Nakumpiska sa possession ng naarestong suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 13 gramo ang bigat na may tinatayang DDB value na PhP88,400.00 at isang genuine na PhP500.00 bill kasama ang ilang piraso ng boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Kasalukuyang nasa nasa kustodiya ngayon ng Bato Municipal Police Station, Camarines Sur si Mata para sa dokumentasyon at para sa tamang disposisyon.