-- Advertisements --
supreme court 1

Naging mainit daw na topic ang panukalang revised Code of Professional Responsibility and Accountability sa mga abogado.

Ito ngayon ang topic ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa isinasagawa nilang mga caravan sa iba’t ibang panig ng bansa para kumuha ng mga inputs sa mga abogado para sa proposed revised code.

Ayon kay Supreme Court (SC) Associate Justice Maria Filomena Singh, ang dating relationship daw ay consistent top grosser kapag nagtutungo ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang panukalang amendments ay kinabibilangan ng Section 15 sa prohibition laban sa dating at romantic relations sa kanilang mga kliyente.

Nakasaad ditong ang mga abogado ay hindi dapat nakikipag-date, may romantic o sexual relations sa kanilang mga kliyente sa kasagsagan ng engagement.

Maliban na lamang daw kung ang consensual relationship ay nangyari bago ang lawyer-client relationship.

Sa mga isinagawang caravan, ipinaliwanang ni Singh kung bakit kasali ang naturang probisyon.

Ilan daw sa mga abogado ay sang-ayon habang ang iba naman ay pinanatili ang kanilang mga reservation sa naturang provision.

Dagdag ni Singh, ang rason kung bakit nagsasagawa ang mga ito ng caravan sa iba’t ibang panig ng bansa ay para konsultahin ang lahat ng mga stakeholder.

Nais daw nilang malaman ang inputs ng mga ito bago ang kanilang isasagawang final write shop matapos ang January 27 leg ng caravan na isasagawa sa University of Sto Tomas.

Siniguro ng mahistrado na ang naturang probisyon ay poprotekta hindi lamang sa mga abogado kundi pati sa kanilang mga kliyente.