-- Advertisements --

Inaresto ng mga paramilitary si dating Pakistan Prime Minister Imran Khan dahil sa kasong kurapsyon.

Si Khan na pinatalsik sa puwesto noong nakaraang taon ay agad na dinala sa kulungan sa Islamabad.

Ayon sa korte na inirekomenda ng anti-corruption agency ng Pakistan na National Accountability Bureau si Khan matapos ang imbestigasyon.

Sa inilabas na video ni Khan na ikinulong dahil sa walang katotohanang kaso.

Iginiit nito na lagi niyang sinusunod ang batas at kaniyang pinabulaanan ang mga kasong isinampa sa kaniya.