Opisyal ng nanumpa bilang bagong Department of Health Undersecretary si dating Philippine National Police Chief (PNP) Camilo Cascolan ngayong araw.
Nanumpa si Cascolan sa harap ni DOH officer-in-charge Mari Rosario Vergeire.
Sa isang statement, sinabi ng DOH na maglalabas sila magiging specific assignment ni Cascolan sa pamamagitan ng Department Personnel Order (DPO) sa mga susunod na araw.
Noong nakalipas na buwan, nauna ng inanunsiyo ng DOH ang pagkakatalaga ni Cascolan bilang undersecretary ng health department na umani naman ng mga batikos mula alliance of health workers dahil insulto umano ito sa mga health experts na mas kwalipikado at mayroong medical degree.
Subalit dumipensa naman si Cascolan sa pagkakatalaga sa kaniya ng Pangulong Marcos Jr. sa DOH at iginiit na hindi lamang kaalaman sa medikal ang kailangan sa pangangasiwan sa kalusugan sa bansa.
Inilarawan din ni DOH OIC Vergeire si Cascolan na very qualified ito sa naturang posisyon.