-- Advertisements --

Binalikan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga ginawang kampanya laban sa iligal na droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Garcia na posibleng naging narco-state na ang Pilipinas kung di ito ginamitan ni Duterte ng “strong arm tactics”.

Dagdag pa niya na ngayong wala na ito sa panunungkulan ay unti-unti na namang nagsibalikan ang mga sangkot sa ilegal na aktibidad.

Nitong Miyerkules, December 6, lang nang nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) at inilunsad ang One Cebu Inter-Agency Interdiction Task Force — isang anti-drug unified group sa lalawigan na layong mababawasan ang drug trafficking sa rehiyon na idinaan sa mga daungan at paliparan.

Sa mensahe ng gobernador, sinabi niyang hindi pwedeng umupo lang at walang gagawin dahil sinisira pa ng droga ang buhay ng isang indibidwal.

Nagpaabot naman ng full support sa nasabing programa ang iba’t ibang ahensya gaya ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang mga opisyal ng lokal at national na pamahalaan na dumalo din sa aktibidad.