-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94-anyos.

Ayon sa mga lumabas na report, namatay ang ika-12 pangulong ng bansa dahil sa komplikasyon sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Si Ramos ay naging presidente ng bansa noong 1992 hanggang 1998.

Nagtapos ito sa U.S. Military Academy sa West Point, N.Y., at University of Illinois sa U.S.

Pumasok ito sa Philippine army at nagsilbi sa Korea at Vietnam.

Noong 1972 President Ferdinand Marcos ay inappoint niya si Ramos sa Philippine Constabulary.

Noong nagpatupad ng martial law si Marcos, si Ramos ang responsable sa pagpapatupad nito.

Noong 1981 si Ramos ay naging deputy chief of staff ng armed forces.

Ipinanganak ang dating pangulo noong March 18, 1928 sa Lingayen Pangasinan pero lumaki ito sa Asingan sa parehong probinsiya.