-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa heart procedure sa Makati Medical Center (MMC) si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nitong umaga umano nang dumating si Aquino, kasama ang ilang katao.

Inaasahang maglalabas ng update ang MMC hinggil sa development na ito.

Noong mga nakalipas na buwan ay nagsabi ang aktres at kapatid nitong si Kris Aquino na may sakit ang kaniyang kuya.

Pero itinanggi naman ito ng dating pangulo at sinabing maayos naman ang kaniyang pangangatawan.