-- Advertisements --

Nabiktima ng racial abuse sa China si dating NBA player Sonny Weems.

Kasalukuyan kasing manlalaro ng Guangdong Southern Tigers ng Chinese Basketball Association (CBA) si Weems.

Habang naglalaro ito ay ilang mga Chinese audience ang sumigaw ng N-words habang ang iba ay pinapalayas si Weems sa China.

Nakagirian kasi ni Weems ang center ng Liaoning Flying Leopards na si Han Dejun kaya ito ay binatikos ng mga audience.