-- Advertisements --
image 280

Pumanaw na si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna sa edad na 85, inihayag ito ng kanyang anak at kasalukuyang Mayor ng Manila na si Honey Lacuna. 

Sa isang post online, sinabi ng nakababatang Lacuna na namatay ang kanyang ama ngunit hindi ibinunyag ang dahilan ng pagkamatay nito. 

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating life which spans further than just his hears and into the hearts of us all where he will remain forever,” Ani Mayor Honey Lacuna. 

Ang nakatatandang Lacuna, na kilala rin sa kanyang palayaw na Danny, ay isang beteranong politiko sa Lungsod ng Maynila, unang nagsilbi bilang konsehal ng lungsod noong 1968 hanggang 1975. Pagkatapos ay tatlong beses siyang nagsilbi bilang bise alkalde ng Maynila: mula 1970 hanggang 1971, mula 1988 hanggang 1992, at mula 1998 hanggang 2007.

Pinarangalan din siya sa pagtatatag ng local political party Asenso Manileño, na nagsagawa ng mga kampanya ng kanyang anak na babae at ng predecessor nitong si Isko Moreno.

Si Moreno, na tumakbong bise alkalde ng Maynila noong 2007 kasama ang nakatatandang Lacuna bilang kanyang running-mate, ay nagsabi na itinuturing niya si Lacuna bilang kanyang tagapayo sa pulitika.