-- Advertisements --
image 233

Darating sa Pilipinas ang nasa 150 youth leaders mula sa 10 mga bansa sa Southeast Asia para pangunahan ang kauna-unahang international Youth Summit na inorganisa ng Southeast Asian Ministers of Education Organization – Regional Center for Innovative Educational Technology o SEAMEO INNOTECH.

Gaganapin ang “Youth Summit 2023: Transforming Education on Southeast Asia” sa SEAMEO INNOTECH sa Diliman, Quezon City sa June 27-28, 2023.

Magsisilbing platform ng mga kabataang lider ang nasabing Youth Summit para maihayag ang kanilang mga hinaing, hiling na pagbabago at rekomendasyon sa pamamagitan ng “Youth Declaration” at pagpi-presenta ng kani-kanilang mga programa’t makabagong ideya sa usapin ng edukasyon.

Ayon kay INNOTECH Center Director at dating Education Secretary Leonor Magtolis Briones, panahon na para tayo naman ang matuto sa mga kabataan kung paanong mas mapapaunlad ang sistema ng edukasyon sa rehiyon.

Kabilang sa mga bansang makikiisa sa Youth Summit ng SEAMEO INNOTECH ay ang Pilipinas, Cambodia, Indonesia, Malaysia, Lao PDR, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste at Vietnam.

Top