-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pabor ang dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na palayain na ang mga bilanggo na naisilbi na ang panahon ng kanilang pagkakulong kahit wala pang kautusan ang hukuman.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo “Egon” Cayosa, dating pangulo ng IBP na nararapat lamang ang desisyon ng Korte suprema dahil overdue o over staying na ang ilang bilanggo sa kulungan na mas mahaba pa kumpara sa kanilang sentensiya.

Ayon kay Atty. Cayosa ang kawalan ng aksiyon sa over staying o overdue na mga bilanggo ay kawalan ng hustisya.

Bilang hakbang ay kabilang sa ilang programa ng IBP ang pagtuturo sa mga warden sa tamang pagcompute ng kanilang sentensiya.

Anya, dapat ay hindi nagtatapos sa pagbibigay ng sentensiya ang tungkulin ng korte sa mga nagkakasala dahil nararapat din nila itong imonitor upang maiwasan ang over staying sa mga bilangguan.