-- Advertisements --
Bigo sa unang round ng qualifiers sa Wuhan Open sa China si Alex Eala kontra Moyuka Uchijima ng Japan sa iskor na 4-6, 6-3, 2-6.
Ito na ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Eala, matapos siyang talunin ni Viktorija Golubic sa quarterfinals ng Suzhou Open WTA 125 noong Biyernes.
Inaasahang tutungo si Eala sa Osaka para sa Japan Open na magsisimula sa Oktubre 13.