-- Advertisements --
Nilamon ng naglalagablab na apoy ang dating gusali ng National Bureau of Investigation sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 6:48 gabi ng Biyernes.
Bandang 6:59 ng gabi ay inakyat sa second alarm ang sunog subalit idineklara pa rin itong fire under control alas 7:36 ng gabi.
7:46 ng gabi naman ng ideklarang fire-out ng BFP ang naturang nasunog na gusali.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog. Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog.