-- Advertisements --
Isinalang na ngayong araw sa inquest proceedings ang dating tauhan ng Department of Justice (DoJ) na naaresto dahil sa umano’y pangingikil.
Sa inisyal na impormasyon, ang suspek ay kinilalang si Louie Miranda na humaharap sa kasong robbery extortion.
Nagtatrabaho daw noon ang suspek sa Witness Protection Program (WPP) ng DoJ pero nawala sa trabaho noong 2018.
Ang NBI-Special Action Unit ang nakahuli kay Miranda sa isang coffee shop sa Muñoz, Quezon City kagabi.
Lumalabas na dati ring nagtrabaho sa Bureau of Customs (BoC) ang suspek.