-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Jones Police Station ang isang lalaki na dating drug surrenderee sa Burgos, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Michael Jordan at residente ng Payac, Jones, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station na nakuha sa pag-iingat ng suspel ang dalawang supot ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 9 grams at nagkakahalaga ng P1,000.

Una rito ay nakatanggap ang Jones Police Station ng impormasyon mula sa isang concerned citizen noong unang linggo ng Marso tungkol sa pagbebenta ng iligal na droga ng pinaghihinalaan kaya nagsagawa ang pulisya ng drug buy-bust operation.

Natuklasan ng pulisya na ang pinaghihinalaan ay dating drug surrenderee sa bayan ng Burgos at lumipat siya ng tirahan sa bayan ng Jones.

Ang Jones, Isabela ay naideklara ng drug cleared municipality at hindi naman ito maapektuhan dahil nadadakip ang mga nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang bayan.

Sa ngayon ay puspusan ang ginagawang kampanya laban sa iligal na droga ng pulisya.