Tinanggalan ng Korte Suprema si dating Bureau of Customs Director Jorge Monroy ng lisensiya sa pagka-abogado matapos itong mahatulang guilty sa paglabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability.
Ginamit kasi ni Monroy ang kaniyang posisyon at sinabing may awtoridad na magbenta ng mga sasakyang nasamsam ng Bureau of Customs.
Nahutalan din itong guilty ng estafa matapos makakuha ng Php1.4-M sa isang ginang na pinangakuang ibebenta niya ang sasakyang nasamsam ng Customs. Sa huli, hindi ito ibinigay ni Monroy kahit na nakapagbayad na ang ginang.
Dahil itinuturing ang estafa na crime involving moral turpitude, ipinag-utos ng korte na alisin si Monroy sa Roll of Attorneys at pinagmumulta rin ito ng Php20,000 dahil sa pagsuway sa alituntunin ng Integrated Bar of the Philippines.
Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagiging miyembro ng Bar ay isang pribilehiyo at maaaring itong suspendihin o alisin ng Korte kapag hindi napanatili ng isang abogado ang high degree of moral character na inaasahan sa miyembro ng legal profession.