-- Advertisements --
wirecard markus braun
Markus Braun, then the chief executive of Wirecard, in Munich last year. He has not yet been formally charged with a crime.

Kinumpirma ng mga otoridad na nahuli sa Munich, Germany ang dating chief executive ng Wirecard, isang German electronic payment platform.

Ito’y makaraang aminin ng kumpanya na ang nawawalang 1.9 billion euros o halos P107 billion mula sa kanilang account ay posibleng hindi talaga nag-eexist.

Si Markus Braun, 50-anyos, ay nagbitiw sa kaniyang pwesto bilang chief executive ng kumpanya noong Biyernes at kusan sumuko sa mga otoridad. Una rito ay naghain ng petisyon para sa arrest warrant ang Munich state attornet dahil sa hinihinalang market manipulation.

Inaakusahan din ng German prosecutors si Braun ng di-umano’y maling pagbabahagi nito sa totoong kinikita ng Wirecard sa pamamagitan ng pamemeke ng detalye hinggil sa tinatawag na third-party acquirers na siya namang nagbibigay ng payment-related services.

Nagpaliwanag na rin ang dalawang kilalang bangko sa Pilipinas matapos masangkot ng mga ito sa naturang eskandalo.

Sa inilabas na pahayag ng Bank of the Philippines Islands (BPI), sinabi nito na kahit kailan ay hindi naging kliyente ang kumpanya ng Wirecard.

Pinasinungalingan din ng BDO Unibank ang lumabas na mga pekeng dokumento kung saan nakasaad na may account na hawak ang Wirecard sa naturang financial institution.