-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ang dating asawa at mga in-laws ng pinaslang na si Hong Kong socialite na si Abby Choi.

Ang mga kinasuhan ang dating asawa nito na si Alex Kwong, bayaw niya na si Anthony at ang biyenang lalaki na si Kwong Kau.

Nahaharap naman ang 63-anyos na biyenang babae ng obstruction of the case.

Sila ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa 28-anyos na si Abby Choi na natagpuan ang ulo nito sa three-storey na bahay sa Tai Po district habang ang ilang bahagi ng katawan nito ay nakita sa 27 kilometro ang layo.
Huling nakitang buhay si Choi noong nakaraang Martes.

Nakita sa lugar ang panghiwa ng karne at electric na lagare.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan na nagkaroon ng awayan sa pera ang biktima at ang mga kaanak ng dating asawa nito.

Naaresto si Alex Kwong nitong Sabado habang tinangkang tumakas gamit ang speed boat.
May dalawang anak si Choi kay Alex Kwong na nagsama mula pa noong 2016.

Kilala si Choi na socialite sa Hong Kong na mayroong mahigit 100,000 na followers sa social media.