-- Advertisements --

Nasa stable na umanong kondisyon si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Zaldy Ampatuan matapos isugod sa ospital.

Ito ang kinumpirma ni BJMP Spokesperson Xavier Solda.

Una nang lumabas ang mga report na isinugod sa pagamutan ang dating gobernador dahil sa Cardio Vascular Disease Infarct Secondary to Cardiac Dysrythmia.

Pero sa pinakahuling medical bulletin nasa stable condition na raw ito.

Si Ampatuan ay sangkot sa Maguindanao massacre noong November 23, 2009 na ikinamatay ng 58 katao na kinabibilangan ng nasa 34 na mamamahayag.