-- Advertisements --
LAOAG CITY – Umatras na si dating Mayor Tomas Torralba na kandidato bilang Alkalde sa bayan ng Badoc para sa May 9, 2022 elections.
Ito ang kinumpirmaran ng Provincial Election Supervisor dito sa Ilocos Norte.
Ganunpaman, sinabi nito na dapat pa ring magsumite ng kanyang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) si Torralba dahil nasama na ang pangalan nito sa listahan ng mga kandidato.
Hinggil dito, hindi na rin nagbigay ng detalye kung ano ang dahilan ni Torralba para iatras ang kanyang kandidatura.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Torralba kung ano ang kanyang naging dahilan ng pag-atras.