Sinentensiyahan ng kamatayan ang dating Agricultural Minister ng China dahil sa korapsiyon.
Sa desisyon ng People’s Court of Changchun sa northeast Jilin province, sinabi ng korte na tumanggap si dating Agricultural Minister Tang Renjian ng suhol na pera at property na nagkakahalaga ng mahigit 268 million yuan o katumbas ng $38 million sa pagitan ng taong 2007 at 2024.
Ayon sa korte, nagresulta ang naturang panunuhol ng “severe losses” sa interest ng estado at kanilang mamamayan, samakatuwid, ginagarantiyahan nito ang parusang kamatayan.
Inamin rin aniya ng dating top official ang nagawa niyang krimen at nagpahayag ng pagsisisi.
Ang pagsentensiya kay Tang ang pinakabago sa maigting na kampaniya ni Chinese President Xi Jinping laban sa katiwalian na nagpabagsak sa ilan pang matataas na opisyal.