-- Advertisements --

Patuloy ngayon ang Department of Migrant Workers sa pagsasagawa ng monitoring sa lahat ng mga OFW na nasa bansang Myanmar at Thailand.

Ito ay makaraang tumama ang malakas lindol sa naturang bansa na nagdulot ng malaking pinsala doon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Yangon at Bangkok para matiyak na nasa mabuting kalagayan ang mga Pilipino.

Layon rin ng kanilang pakikipag-ugnayan ay maipaabot ang mga kinakailangang tulong para sa kanila.

Nanawagan rin ang kalihim ng panalangin sa publiko para sa apat na Pilipinong nawawala sa bansang Myanmar matapos ang pagyanig.

Hindi naman naglabas ng pangalan ang ahensya ng mga nawawalang Pilipino at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya.