LONDON – Pumanaw na ang British actor na si Dave Prowse, na kilalang gumanap sa iconic villain character ng Star Wars movie series na si Darth Vader.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kanyang agent na si Thomas Bowington, na pumanaw na si Prowse sa edad na 85.

“It’s with great sadness that we have to announce that our client Dave Prowse… passed away yesterday morning at the age of 85,” ani Bowington.(AFP)