Kumpirmadong special guest ang young Filipino singer na si Darren Espanto sa Singer 2019 ng China.

Sa Twitter post ng kanyang talent management, nakasaad na aasahan ang guest appearance ng 17-year-old singer sa finals ng nasabing singing competition sa China sa darating na April 12.

-- Advertisement --

Noong nakaraang taon nang maging kinatawan ng bansa sa naturang kompetisyon si KZ Tandingan ngunit bigo itong makaabot sa finals.

May pagkakataong inawit pa nito ang hit song na “Anak” sa pamamagitan ng pinaghalong Filipino version at Mandarin translation.

KZ and “Price Tag” hitmaker Jessie J

Kabilang sa mga nakatunggali ni KZ ay ang mismong idolo nito na British pop star na si Jessie J o Jessica Ellen Cornish sa tunay na buhay.