-- Advertisements --
conrado estrella

Ipinaaabot ni Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III ang aming mainit na pagbati sa bagong talagang si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Estrella, naniniwala siyang mapapanumbalik ang sigla sa ating sektor ng agrikultura na puno ng napakalaking hamon.

Ang pagpili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para maging Agriculture secretary si Laurel ay matibay na patotoo aniya sa tiwala ng Pangulo sa kakayahan nito.

Para sa DAR chief, ang sipag ng punong ehekutibo ay inaasahang maipagpapatuloy ng bagong kalihim ng kagawaran, tungo sa roadmap sa isang mas malakas na sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtuon sa pagtatatag at matibay na pundasyon upang matiyak hindi lamang ang mas mataas na productivity ng sakahan, mas mahusay na kita at kalidad ng buhay para sa mga magsasaka at kasapatan sa pagkain at seguridad para sa lahat ng Pilipino.

Sa ganitong diwa, ipinaabot umano nila ang buong suporta sa bagong kalihim ng Agrikultura at inaasahan ang isang malakas at aktibong pakikipagtulungan sa kanya sa pagbuo ng mga estratehikong patakaran at programa na magpapaangat sa kalagayan ng ating mga magsasaka at tuparin ang pangarap ng Pangulo para sa isang matatag at matibay na sektor ng agrikultura na isang kapaki-pakinabang na katotohanan para sa ating mga mamamayan.

Apela ni Estrella, tulungan sana ng lahat si Laurel na pinili mismo ng presidente upang magtagumpay sa pagganap ng tungkulin.