Pinuna ng Commission on Audit ang department of Agrarian Reform dahil sa umanoy mababang accomplishment sa usapin ng Land Acquisition and Distribution (LAD) program noong 2022.
Ito ay sa likod ng nakitang mataas na paggamit ng pondo sa ilalim ng programa.
Batay sa report ng komisyon, umabot lamang sa 32.94 hanggang 94.66% ang accomplishment rate ng DAR, gayong nagamit nito ang hanggang sa 97.94% na pondo.
Ito ay katumbas ng P2.613 billion na pondo.
Sa breakdown na inilabas ng komisyon, mayroong 42,743.0041 na ektarya ng lupain ang dapat sanay nairehistro ng kagawaran sa ilalim ng Certificates of Land Ownership Awards, ngunit tanging 32.94% lamang dito ang kanilang nagawa.
Ito ay katumbas ng lamang ng 14,081.5895.
Maliban dito, target din sana ng DAR na mai-distribute ang kabuuang 41,807.9647 ektarya ng lupain ngunit 94.66% lamang dito ang kanilang nagawa.
Ito ay katumbas lamang ng 39,574.1615 na ektarya ng lupain na kanilang nai-distribute.
Ayonsa Komisyon, ang pagkakagastus ng hanggang 97.94% sa kabuuan nitong nailaan na pondo ay hindi akma sa aktwal nitong nagawa.