Kaagad na umaksyon ang Department of Agrarian Reform sa mga lugar na nangangailangan ng patubig sa Bicol Region.
Ito ay matapos na makapagtala ang DAR ng 39°C heat index sa mga bayan ng Virac, Catanduanes.
Kaugnay nito ay patuloy silang nagsasagawa ng pagpapakawala ng supply ng tubig sa mga lupang sakahan sa naturang mga lalawigan.
Kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng matinding tag-tuyot ay ang Brgy. Timbaan, Bon-ot, Lictim at San Andres.
Dahil dito , aabot sa 60 magsasaka at 54 ektarya ng sakahan ang apektado ng tagtuyot.
Nanguna ng DAR sa pagbibigay ng irrigation assistance upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka ngayong dry season sa nasabing mga lugar.
Kaugnay pa rin ng mainit na panahon ay inaksyunan ng mga kawani ng National Irrigation Administration Bicol ang ilang sakahan sa Polangui, Albay na nangangailangan ng agarang atensyon .
Ang bayan na ito ay nangangailangan ng atensyon dahil sa kakulangan ng patubig dulot ng kinakaharap na El Niño.
Bilang, tugon , naglagay ng mga surface water pumps ang NIA sa mga malalapit na water sources sa lugar.
Kung maaalala, iniulat ng state weather bureau noong nakaraang taon na ang lalawigan ng Albay ay nakapagtala ng pinakamataas na heat index sa Pilipinas na pumalo pa sa 50°C heat index.